January 12th, 2012

Saglit.

Dami kong iniisip. Ano ba talaga?

Di ko mawari. Nagmumukha na akong tanga.

Hanggang kailan pa? Pwede namang ngayon na.

Isang araw. Tila ilang buwan na ang nagdaan.

Animo’y kinalimutang pundot. Ang mga alaala, nasaan?

Wala naman akong karapatan. Ako’y hanggang tanaw lang.

Mahirap sabihin. Lalo na kung may hadlang.

Di ko matanto. Hanggang dito na lang ba ako?

Kaya ko pa bang tiisin? Ang nalilito kong damdamin.

Magkagayunman, nasa puso’t isip ko pa rin.

Ang nagbigay ng saglit na kasiyahan sa akin.